Friday, 31 August 2018

Saturday, 18 August 2018

Ano ang tanaga at mga halimvawa

Tanaga

Ano ang Tanaga

Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. Binubuo ito ng apat na taludtod, at bawat taludtod ay may pitong pantig. May tugmang isahan (aaaa) ang sinaunang anyo nito, ngunit pinasukan ng eksperimentasyon ng mga makata sa paglipas ng panahon. Kabilang sa mga pagbabago ang pagpapasok ng tugmaang inipitan (abba), salitan (abab), at sunuran (aabb).

Ilan sa mga katangian ng tanaga ang masining na pagkasangkapan sa talinghaga (metaphor), ang pagtitimpla ng mga imahen, ang pagpapaindayog ng tunog ng mga salita, at ang banayad na pagpapahiwatig mula sa inilalarawan, inihahambing, o inilalahad na bagay, pangyayari, o tagpo.



Halimbawa ng Tanaga

Anay
Reynang nakahilata,
Alipi'y nangaypapa,
Lumawit man ang dila,
Sundalo'y tatalima.

Kamote
Itinanim na binhi,
Lumaki at ngumiti,
Nang hukayi't tagbisi,
Kasinlaki ng binti.

Isip-Kolonyal
Ang anyo mo ay sipi,
Nalimot na ang lahi.
Sa dayuha'y natali,
Sarili'y inaglahi.

Aso
Mataas sa pag-upo,
Mababa 'pag tumayo.
Kaibigan kong ginto,
Karamay at kalaro.

Makopa
Kampanilya ni Kaka,
Kulay rosas ang mukha.
Piping tunog ang ngawa,
Makatas 'pag nginuya.

Pusa
Matanda na ang nuno,
Hindi pa naliligo.
Sa tubig nagtatago,
Tinik ang sinusuyo.

Sandok
Tangkay itong kakaiba,
Ang dahon ay nag-iisa.
Walang ugat, walang sanga,
Kasa-kasama ni Ina.

Makahiya
Nahihiya ang dalaga,
Mukha'y ayaw ipakita.
Nagtatago sa balana,
Sa hipo ay umaalma.

Hapunan
Iniluto sa tahuri
Ang isdang napakalaki
Inihain isang gabi
Kasabay ng kanin pati.

Bulaklak sa Kasal
Makulay ang ramilyete,
Tangan-tangan ng babae.
Sa kasal ay importante,
Daig pa ang diyamante.

Kasuy
Amoy nito ay mabango,
Kung mamasda'y malilito,
Ang nakalabas ay buto,
Na para bang nagtatampo

Kawayan
Naaayon sa kuwento,
Nilalang ay galing dito,
Walang pinto, puro kwarto,
Doble sarado-kandado.

Kaibigan
Ang katoto kapag tunay
hindi ngiti ang pang-alay
kundi isang katapatan
ng mataus na pagdamay.

Kabibi
Kabibi, ano ka ba?
May perlas, maganda ka;
Kung idiit sa taynga,
Nagbubunitunghininga!

Palay
Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko;
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto

Tag-init
Alipatong lumapag
Sa lupa — nagkabitak,
Sa kahoy nalugayak,
Sa puso — naglagablab!

Pag-ibig
Wala iyan sa pabalat
at sa puso nakatatak,
nadarama’t nalalasap
ang pag-ibig na matapat.

Sanggol
Pag ang sanggol ay ngumiti
nawawala ang pighati,
pag kalong mo’y sumisidhi
ang pangarap na punyagi.

Pananampalataya
Ang taong bukas-pala
Ay madaling umunlad
Kamay ay nakalahad
Sa biyaya N'yang gawad.

Kalikasan
Sa tikatik na ambon
Umaawit ang dahon,
Sumisilong ang ibon,
Sumasayaw ang alon.

Bayan
'Pag palasyo'y pinasok
Ng buwayang niluklok
Sistema'y mabubulok
Baya'y maghihimutok.

Nagbibigay aral
Mag-ipon sa'yong gusi
Nang ika'y may mahasi.
Pagdating ng tagbisi*
ay 'di ka magsisisi.

Kurakot
Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Naitago na kasi.

Mataas Pa
Itong dumapong langaw
Sa tuktok ng kalabaw
Ay tiyak masisilaw,
Sa sikat na tinanaw.

Sipag
Magsikhay ng mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari.

Slow
Hindi ko rin malaman,
Hindi maunawaan
Mapurol kong isipan,
Isalang sa hasaan.

Tunay Na Yaman
Ako ay Filipino
Kulay tanso ng mundo
Ngunit tunay kong ginto
Nasa aking sentido.

Pipi
Puso ko’y sumisigaw
May bulong na mababaw,
Hindi naman lumitaw
Tinig ko’t alingawngaw!

Filipino
Tagalog ang wika ko
Hindi sikat sa mundo
Ngunit lantay at wasto
At dakilang totoo.

Ikaw Lang
Dasal ko sa Bathala
Sana’y makapiling ka
Sa luha ko at dusa
Ikaw ang aking sigla.

Paslit
Maraming mga bagay,
Na sadyang lumalatay,
Isip ko’y walang malay,
Sa hiwaga ng buhay?

Tanaga
Ang tanaga na tula
Ay sining at kultura
Tatak ng ating bansa

Hanggang wakas ng lupa.

Ang tanaga ay isang uri ng Filipino poem, binubuo ito ng apat na linya na may pitong pantig kada isa ng may parehong tunog sa dulo ng ... (tingnan ang buong kahulugan sa brainly.ph/question/338210)

Halimbawa: 

NILILIYAG
Ang kanyang tinging titig,
Sa sintang iniibig,
Ay luksong malalagkit,
May alab din ng init.

> May dalawa pang halimbawa sa brainly.ph/question/61829

ULING
Putul-putol na ugat,
Sa dibdib nitong gubat,
Ay nakikipag-usap,
Sa nag-iwi ng tabak!

> Tingnan ang bersyon nito ng haiku sa brainly.ph/question/409041
Kalikasan
Ganito nga ang hangin
Simoy na lalanghapin
Pilit panatilihin
Para sa buhay natin

"KULTURA"
Angkinin natin ito
Yamang gaya ng ginto
Nakawi'y imposible
Iba 'pag kultura eh

Mga halimbawa ng tanaga at dalit na tula - brainly.ph/question/204190
PAG-IBIG
Balagtas ay sumulat
Hahamakin ang lahat
Masunod ka lamang at
'to'y Pag-ibig na tapat

PAG-IISA7 - Tahimik at malayo
7 - Sa ingay at huntahan
7 - Magkakape ako at
5 - Buntong hininga
5 - Sarap mag-isa 

> Halimbawa ng tanka at haiku tungkol sa pag iisa at kalungkutan - brainly.ph/question/895219


PAG-IBIG #1
7 - Ito ang laging hiling
7 - Ito ang laging sambit
7 - Lahat na'y nahumaling
5 - Ito naman ay
5 - Dapat ibigay



PAG-IISA
7 - Tahimik at malayo
7 - Sa ingay at huntahan
7 - Magkakape ako at
5 - Buntong hininga
5 - Sarap mag-isa


 
Pagbabago
5 - Magsimula sa
7 - Sarili muna dahil
5 - Dapat sa'yo ang
7 - Umpisa ng gusto mo
7 - Gusto mong pagbabago

> Halimbawa ng tanka at haiku sa tagalog? - brainly.ph/question/877500

Sunday, 12 August 2018

A Reflection on Shakuntala

A Reflection on Shakuntala

Exposition :Dushyanta came for hunting in that forest. He was charmed to see Shakuntala there

Rising action: Dushyanta and Shakuntala will married then,after a years Dushyanta went back to  his kingdom. Before that Dushyanta give to ring on her wife.

Climax : After a many years Shakuntala went kingdom . To go back in our house Dushyanta there not remember about to her wife.

Falling action: Shakuntala she born a child name is Bhurata. Then after a month Dushyanta remember that he had a wife. He go back to the forest. Then he saw a child playing a lion and etc. Then they talk for a while and he know that the child is his son. 

Denouement: Dushyanta ang he son go to on her wife. Shakuntala shock to see there husband and he son smiling.

                                              THE       END  

Ikalawang Yugto ng Imperyalismo hanggang ikalawang digmaang pandaigdig Sa Pilipinas

Ikalawang Yugto ng Imperyalismo hanggang ikalawang digmaang pandaigdig Sa Pilipinas Narito ang larawan ng timeline: